JUAN MIGUEL SEVERO SCANDAL AT PANULAAN
Usap-usapan si Juan Miguel SeveroUsap-usapan dahil sa eskandaloDahil sa alegasyong sexual harrasment ritoPero bago pa man ito Malaon na syang materyal ng kwento,Bilang mahusay sa spoken word poetry ito.
Kaalinsabay halos ng hugot lines,Sumikat sa bansa ang ganitong kathaKaya akala ng iba na ang tula'y papawala,Nagkakamali kayo ng inaakala.
Normal na katulad ng ibang likha,Dumadaan ito sa iba't-ibang babala Ngunit inaanak ay panibagong mukha,Ebolusyon at inobasyonSya nating gawing eksplanasyon.
Ito rin marahil ang dapat kong paliwanag,Kaya't itong balitula akoy tinawag,Ngunit ayaw kong ariing akin,Dahil kung inyong mapapansin,Matagal na itong ginagawa sa atin.
Hinamig lang ako nitong pausuhinMula ng sa panulaan ako'y akitinKuya Tiago sa kanyang sulatin,Nagpasikhay muli sa aking damdamin.At ng mabasa minsan ang isang tulain,Balitulang pamagat,syang ginamit ko na rin.
Kaya't kay Ka Enchong na Blogger Ako po'y inyong patawarin,Pamagat nyo'y aking inikit dinTingin ko nama'y hawig ating naisin.
Inaral ko si Mark Loganpati na rin si Jack Logan,Prinsipe Makatang matugma,Hinalawan ko rin ng katha.At lahok ay pusong makabansa.Kaya islogang aming ginawaBalita sa Masa, Tula ng Konsensya.
Maski ngani historikong pagsisimulaInalam ko dangan lang at di naitalaNgunit sa ilang mga hinuha,Libong taon maari yata.
Pinasadahan mga epikong tula,Gilgamesh, Mahabarata o Ramayana,Pati kay Homer na Odyssey at Iliad,Na sa Darangan ng Mindanao ay tulad.
Soneto ni Shakespeare at PetrarcaHanggang sa panahong Elizabeth I na Reyna,Tumungo ng Satire at RestoraysonHanggang Romantiko at Rebolusyon
Pati panulaang kumalat hanggang Amerika,Sulating gyera ng Jamaica,Nobel Prize ni Tagore ng India,At syempre pa ang sarili nating wika.
Binalikan ko ri'y bugtong nati't sawikain,Pati tanagang puno ng talinhaga,Pati dulang lahok pambanyaga,Maging Kay Balagtas na maimpluwensyaLalong higit ang Florante at Laura;Paterno,Marcelo,Rizal at Isabelo,Hanggang kay Jose Batute at AmadoHanggang tulaan ng pinatay si Aquino,Nakarating ako ng tulang moderno,Patungo sa panahon ng una kong kwentoSi Juan Miguel Severo.
Don't forget to follow,like and subscribe our fb, YouTube,tiktok @balitulaphilippines
#ShareShareShare #balitula
Podchaser is the ultimate destination for podcast data, search, and discovery. Learn More