Sa pagsalubong natin sa Buwan ng Wika ngayong Agosto, isang karangalan para sa Linya-Linya ang makatuwang para sa isang espesyal na kolaborasyon ang premyadong makata, guro, kritiko, at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario, o mas kilala sa kaniyang sagisag na Rio Alma ✍️
Mapalad din tayong makausap at makakwentuhan si Sir Rio sa The Linya-Linya Show.
Nagmula ang pamagat ng episode sa kanyang tulang "Ibalik Ang Tula Sa Pusò Ng Madla." Isa itong paalala sa ating henerasyon-- na sa harap ng mga pagbabagong dulot ng teknolohiya at samu't saring banyagang impluwensya, tinatawag pa rin tayong mga Pilipinong sariwain, payabungin, at isabuhay ang sariling wika, dahil tunay na nandito ang ating puso at diwa.
Sa pagdaan ng mga henerasyon hanggang sa kasalukuyan, ibinahagi ni Sir Rio ang kanyang simulain, pati na ang kanyang karanasan bilang tagapagtanggol ng wikang Filipino at panitikang Pilipino. Isang episode na puno ng aral, alaala, at pagmamalasakit sa bayan.
Makinig, makisama sa pagdiriwang, at pahalagahan ang ating wika at kultura.
Maligayang Buwan ng Wika sa lahat!
Podchaser is the ultimate destination for podcast data, search, and discovery. Learn More